WAG MANGAMBA | Suplay ng tubig sa Metro Manila, sapat – DENR

Manila, Philippines – Bagamat may konting pagbaba sa level ng tubig sa La Mesa Dam sapat pa rin ang supply ng tubig sa Metro Manila habang papalapit ang panahon ng tag-init. Sinabi ni DENR-River Basin Control Office Executive Director Antonio Daño, kailangan pa ring maging responsable ang publiko sa wastong paggamit ng tubig. Kaakibat nito ang pangangalaga sa mga watershed areas upang hindi masalaula sa pamamagitan ng pagbibigay ng tuloy -tuloy na edukasyon at impormasyon lalo na sa mga tribong dumagat na karamihan ay nakatira na dito. Base sa huling reading ng La Mesa Headworks sa tubig sa Lamesa Dam ngayong alas sais ng umaga, nasa 76.01meters ang water elevation nito mas mababa sa 80.15 meters na normal elevation. Habang ang Ipo Dam Base sa reading kaninang alas singko ng umaga ay nasa 100.98 meters mula sa spilling level nito na 101.98 meters at 204.61meters naman ang water elevation ng Angat Dam, bahagya lang ang pagbaba mula sa spilling level na 217 meters.

Facebook Comments