Wage relief, isinulong ng ilang grupo kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin

Isinusulong ngayon ng Grupong Bayan at Nagkaisa Labor Coalition ang wage relief na 100 piso sa mga manggagawang Pilipino.

Ito ay upang manumbalik ang purchasing power ng taumbayan.

Inihihirit naman ng grupong Kilusang Mayo Uno ang pagtakda ng national minimum wage dahil hindi naman nalalayo ang presyo ng bilihin at serbisyo sa probinsya at sa Metro Manila.


Sa kabila nito, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang Regional Wage Board pa rin ang dapat na nagtatakda ng sahod.

Pero pagtitiyak ni Laguesma ay patuloy pa rin ang pag-aaral sa minimum wage at sinisilip din ang mga non-wage interventiontulad ng livelihood assistance at training programs upang makakuha ang manggagawa ng trabahong mas mataas ang sahod.

Facebook Comments