Justice Secretary Boying Remulla, muling nagpakita sa publiko kasunod ng pagkaka-aresto ng kaniyang panganay na anak dahil sa iligal na droga

Muling nagpakita sa publiko si Justice Secretary Boying Remulla matapos ang pagkaka-aresto ng kaniyang panganay na anak dahil sa illegal possession of marijuana.

Ito ay matapos magpakita siya sa tanggapan ng Department of Justice at dumalo sa flag raising ceremony nito.

Dito ay nagpahayag lamang si Remulla ng maiksing mensahe patungkol sa trabaho at nananatiling tikom sa isyung kinakaharap ng kaniyang anak.


Hindi rin nito pinagbigyan ang hiling ng media na makapanayam siya ngunit nagpa-unlak ng panayam nitong nagdaang linggo sa dalawang media entities na lantarang nakiki-simpatiya sa gobyerno.

Facebook Comments