WAGI | Ateneo, panalo kontra basketball team ng Japan sa 40th William Jones Cup

Taiwan – Tinalo ng Ateneo Blue Eagles ang basketball team ng Japan sa 40th William Jones Cup na ginaganap sa Taiwan.

Panalo ang Ateneo sa score na 80-74 kung saan nanguna sa Blue Eagles sina Angelo Kouame na may 15-points at 15-rebounds habang 14-points at 9-rebounds naman si Thirdy Ravena.

Dahil sa panalo, nasa pang-limang pwesto sa team standings ang Ateneo na may 2-2 win/loss record.


Sunod na makakalaban ng Blue Eagles ang Indonesian Club Team CLS Knights mamayang ala-1:00 ng hapon.

Facebook Comments