WAGI | Batang Gilas, pasok na sa quarterfinals ng FIBA Asia under-18 Championship

Manila, Philippines – Pasok na sa Quarterfinals ng FIBA Asia under-18 Championship ang Batang Gilas matapos silang manalo laban sa China.

Tinalo ng Batang Gilas ang China sa score na 73-63 kung saan bumida sa panalo si Fil-Nigerian AJ Edu na may 13-points, 14-rebounds at 5-blocks.

Naging malinis ang record ng Pilipinas na may malinis na tatlong panalo at walang talo sa qualification round ng group B.


Inaabangan ng Pilpinas sa Quarterfinals kung anong team ang kanilang makakaharap sa pagitan ng Bahrain at Chinese Taipei.

Facebook Comments