NBA | Carmelo Anthony pipirma na sa Houston Rockets

Pirma na lang ang kailangan para pormal na maging miyembro ng Houston Rockets si All-Star Small Forward Carmelo Anthony.

May verbal agreement na kasi Si Anthony sa Rockets na sa kanila ito maglalaro matapos ang buy-out ng Atlanta Hawks matapos makuha mula sa trade sa Oklahoma City Thunder.

Ayon pa sa ulat, pipirma si Anthony sa Houston pagkabalik niya mula Africa kung saan may mga proyekto ang 10-time all-star.


Inaasahan na sa pagdating nito sa Rockets, matutulungan ni Anthony sina reigning MVP James Harden at Chris Paul na muling mabigyan ng kampeonato ang Houston.

Huling nagkampeon ang Rockets sa NBA mahigit dalawang dekada na ang nakakakaraan.

Facebook Comments