WAGI | Bersamina, Mendoza kampeon sa ASEAN Age Group Championships

Davao City – Tumabla si International Master Paulo Bersamina samantalang nanalo naman sa huling round si WFM Shania Mendoza para tanghaling kampeon sa premier under-20 divisions ng ASEAN Age Group Chess Championships sa Davao City kagabi.

Hinati ni Bersamina ang puntos kay IM John Marvin Miciano para tapusin ang torneo sa kaniyang 7.5 points para maghari sa boy’s division.

Pinadapa naman ni Mendoza si Laila Carmel Nadera para maiuwi ang titulo, Woman’s International title at Woman’s Grand Master norm.


Bukod kay Bersamina at Mendoza, nangibabaw din sa kani-kanilang bracket sina Antonella Berthe Racasa sa under 12, Dale Bernardo sa under 18, Ronald Cariño sa Open Under 16 at Kaye Lalaine Regidor sa girls’ under 10 division.

Facebook Comments