WAGI | Catriona Gray, itinanghal bilang Binibining Pilipinas Universe

Manila, Philippines – Kinoronahan bilang Binibining Pilipinas Universe si
Catriona Gray.

Sa isinagawang grand coronation night sa Araneta Coliseum, ilang special
awards din ang nakuha ni Gray tulad ng Best in Swimsuit, Best in Long Gown,
Best in National Costume, Binibining Miss Ever Bilena at Jag Denim Queen.

Marami ang humanga sa naging sagot ni Catriona sa question and answer
portion ng pageant kung saan si United States Ambassador to the Philippines
Sung Kim ang nagtanong kay Gray kung ano ang kaniyang mensahe sa kababaihan
ng Marawi.


Matatandaan na nanalo na rin bilang Miss World Philippines ang kandidata
noong 2016 at nakapasok sa top 5 ng Miss World sa kaparehong taon.

Ilan naman sa mga nanalo ay sina:

Michelle Gumabao – Binibining Pilipinas Globe

Karen Gallman – Binibining Miss Intercontinental
Eva Patalinhug – Grand International Crown
Jehza Mae Huelar – Binibining Supranational

Maria Ahtisa Manalo – Binibining Pilipinas International
Vicki Rushton – First Runner Up
Samantha Bernardo – Second Runner Up

Facebook Comments