WAGI | Corteza kampeon sa Japan Open

Japan – Tinalo ni Lee Van Corteza si Naoyuki Oi, 8-7 para tanghaling kampeon sa 10 ball ng 31st Japan Open 2018 Championship sa Tokyo, Japan.

Naging impresibo ang panalo ni Corteza dahil wala itong natamong talo sa torneo mula sa elimination round hanggang sa finals.

Dahil dito mag-uuwi ng $6,000 o mahigit P300,000 si Corteza.


Samantala, nagkampeon din si Warren Kiamco sa West Coast Swing 10-ball Challenge sa Tempe, Arizona. Umangat mula sa loser’s bracket si Kiamco para makuha ang $6,500 o mahigit P340,000 na top prize.

Facebook Comments