WAGI | Golden State Warriors, Cleveland Cavaliers at Boston Celtics, panalo sa kani-kanilang laban sa NBA

46

Sports – Kahit na wala si Stephen Curry, nagawa pa din tambakan ng Golden State Warriors ang Charlotte Hornets sa score na 101-87.
Nanguna sa panalo si Kevin Durant na may triple double na 35-points, 11-rebounds at 10-assists.
Muli na namang bumida si Lebron James para masungkit nila ang ika-13 sunod na panalo nang talunin ang Sacramento Kings sa score na 101-95.
Kumamada ng 32-points, 11 rebounds at nine assists si James kaya’t gumanda ang kanilang record sa 18 wins at 7 losses.
Samantala, inilampaso ng Boston Celtics ang Dallas Mavericks sa score na 97-90 kung saan nakakuha ng 23-points at limang assists si Kyrie Irving.
Dahil dito, nanatili silang number one sa eastern conference na may 22-4 win/loss record.

Facebook Comments