WAGI | Isang pinoy nag-uwi ng parangal mula sa France

Manila, Philippines – Isa na namang Filipino filmmaker ang nag-uwi ng karangalan sa bansa makaraang manalo ng prestihiyosong award sa 24th International Festival Of Asian Cinemas sa France.

Iniuwi ng Filipino filmmaker na si Zig Dulay mula sa France ang Golden Cyclo award para sa kanyang pelikulang “Bagahe,” na ibinigay ng 24th International Festival of Asian Cinemas (FICA), na ginanap nuong 30 Enero hanggang 6 ng Pebrero sa Vesoul, isang bayan na matatagpuan sa timog-silangan ng bansa.

Kinumpirma ng FICA na isa ito sa pinakaluma at pinakamahalagang Asian Film Festival sa Europa at isa sa top 10 film event sa France.


Siyam mula sa siyamnapung pelikula ang pinili ng mahigit tatlumpung libong manunuod para sa main competition.

Nagsimula ang FICA noong 1995 at nagpakita na ng mahigit sa 80 na pelikula mula sa China, Japan, India, Israel, Afghanistan, at Pilipinas.

Facebook Comments