WAGI | Kevin Anderson pasok na sa Wimbledon finals matapos talunin sa 5 sets si John Isner

46

Gaya ng ginawa nito kontra kay Roger Federer, muling bumangon sa 2 sets to one deficit si Kevin Anderson para makapasok sa unang pagkakataon sa Finals ng Wimbledon.

Tinalo ng South African ang Amerikanong si John Isner, 7-6, 6-7, 6-7, 6-4, 26-24 sa kanilang semifinal showdown na tumagal ng anim na oras at tatlumpu’t anim na minuto.

Tila abot kamay na ni Isner ang ticket sa finals matapos makuha ang third set pero muling ipinakita ni Anderson ang tibay ng kaniyang dibdib para kunin ang dalawang sunod na set.

Ganito rin ang ginawa ni Anderson kontra naman kay Federer nung laban nila sa quarterfinals.

Makahaharap ni Anderson sa finals ang mananalo sa laban naman nina top seed Rafael Nadal at dating kampeon na si Novak Djokovic.

Facebook Comments