Blinangko ng Pilipinas ang Southwest, 7-0 para makuha ang kauna-unahang Senior League Softball World Series title sa Lower Sussex, Delaware kahapon.
Pinangunahan ni Marika Joana Manaig ang opensa ng mga Pinay mula sa Tanauan City sa kaniyang tatlong RBI para magreyna sa torneo para sa may edad na 13-16 anyos.
Ito ang kauna-unahang pagkakampeon ng Pilipinas sa senior’s bracket sa 44 na taong kasaysayan ng World Series.
Nagtala ng 4-1 win loss slate ang Pilipinas sa elimination round para makapasok sa semifinals.
Tinalo nila ang East, 8-0 para makaharap ang Southwest na naungusan naman ang Delaware, 2-1 sa kanilang semifinal pairing.
Facebook Comments