WAGI | Serena Williams pasok na sa Wimbledon finals

9

Patuloy ang pamamayagpag ni Serena Williams sa kaniyang pagbabalik sa tennis.

Tinalo ng dating world number 1 at seven time champion si Julia Goerges,6-2, 6-4 para mapanatili ang kaniyang unbeaten streak sa All-England Grandslam event.

Hindi pa natatalo sa Wimbledon si Serena mula pa noong 2014 at kasalukuyang may 20-game win run ang Amerikana na nawala sa tennis ng mahigit isang taon dahil nanganak ito.

Makakaharap ni Williams si Angelique Kerber para sa titulo.

Nagwagi si Kerber kontra kay Jelena Ostapenko, 6-3, 6-3 sa kanilang semifinal match.

Facebook Comments