WAGI | Smart All-Stars, tinalo ang Team Luzon sa 2018 PBA All Star week

Batangas City – Tinalo ng Smart All-Stars ang Team Luzon sa second leg ng 2018 PBA All-Star Week na ginanap sa Batangas City Sports Center.

Nanalo ang Smart All-Stars sa score na 152-149 kung saan naging best player dito si Terrence Romeo na may 48-points.

Samantala, itinanghal na bagong three-point shootout champ si James Yap na nakapuntos sa finals ng 24-points kaya at tinalo Isna Stanley Pringle at Terrence Romeo.


Muli naman nasungkit ni Rey Guevarra ng Phoenix Fuel Masters ang slam dunk trophy matapos na talunin si Renz Palma ng Blackwater Elite sa finals.
Ikinatuwa naman ni Rain Or Shine Bigman Beau Belga ang pagkakapanalo sa obstacle challenge kung saan nakatapat nito sa Championship round sina JP Erram ng Blackwater at Gabby Espinas ng San Miguel Beermen.

Facebook Comments