Waitress, Arestado sa kasong Qualified Theft

82

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang waitress matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito sa kanyang pinagtatrabahuhan pasado 9:30 kaninang umaga sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Milagros Navarro, 31 anyos, tubong Diamantina, Aurora, Isabela at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Sillawit sa nasabing lungsod.


Dinakip ng pulisya ang akusado sa pangunguna ni P/Capt. Renz Marion Baloran matapos magpalabas ng warrant of arrest si kagalang galang hukom Bernabe Mendoza ng RTC Br.23 Roxas Isabela para sa kasong Qualified Theft.

Makakalaya lamang si Navarro kung makakapaglagak ito ng piyansang nagkakahalaga ng P48,000.00.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng pulisya si Navarro para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments