WALA NANG BABALA: MGA MAHUHULING LUMALABAG SA BATAS TRAPIKO SA AGNO, PAGMUMULTAHIN AGAD

Tapos na sa pagbibigay babala ang lokal na pamahalaan ng Agno kaya agad papatawan ng kaukulang multa ang mga motorista na mahuhuling lalabag sa Traffic Ordinance.

Bilang patotoo sa hangarin na makamit ang pagsunod ng mga motorista, sanib-pwersa ang kapulisan at Public Order and Safety Office sa pagbabantay sa mga kakalsadahan.

Sa mga isinagawang operasyon, anumang uri ng sasakyan ay pinapara ng awtoridad na sumasalamin sa pantay na pagpapatupad ng batas.

Samantala, nagdulot naman ng kalituhan sa ilang residente kung alin polisiya ang tinutukoy umano sa ordinansa kung patungkol sa helmet, tamang bihis o lisensya ang nakasaad sa kautusan.

Hiling din ang pantay na pagsita at parusa maging sa mga empleyado ng gobyerno.

Kaugnay nito, abiso naman ang pagsunod sa mga batas trapiko upang hindi magmulta bukod pa sa mapalayo sa aksidente.

Facebook Comments