Manila, Philippines – Pinababasura ng Department of Justice (DOJ) sa Manila Regional Trial Court ang provisional liberty na ipinagkaloob sa mga rebelde na sina Benito Tiamzon, Wilma Tiamzon at Edilberto Silva.
Ikinatwiran nina state prosecutors Olivia Laroza-Torrevillas at Aristotle Reyes sa Manila RTC branch 32, pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proclamation 360 na opisyal na nagwawaksi sa peace talks ng pamahalaan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army National (CPC-NPA) democratic front.
Nakasaad sa mosyon na wala nang legal ground para ipagpatuloy ang provisional liberty ng mga akusado bunsod ng mga nabanggit na kadahilanan, kaya dapat na ring kanselahin ang bail ng mga ito.
Samantala noong Martes naman ay nilagdaan ng Pangulo ang proklamasyon na nagdedeklara sa CPP at NPA na mga terorista.