Manila, Philippines – Wala nang nahuling natutulog at umiinom ng alak si NCRPO chief Oscar Albayalde matapos ang kanyang ginawang surprise inspection kagabi sa ilang presinto sa Metro Manila.
Sinabi ni Albayalde, naka-alerto na ang mga pulis sa lahat ng mga police community precinct na kanyang pinuntahan.
Sa katunayan aniya nakakalat pa ang mga ito sa kanilang mga beat.
Umaasa naman ang hepe ng NCRPO na magtutuloy-tuloy ang ganitong ugali ng mga pulis dahil sa ito naman aniya ang dapat na ginagawa ng mga pulis na naka duty sa gabi.
Binigyan na rin ng full responsibility ang mga regional directors maging ang mga station commanders.
Sa oras aniya na may mahuli pa siya na mga pulis na natutulog habang naka-duty, agad na mananagot ang mga superiors nito.
Ilan sa mga presinto na inikutan ni Albayalde ay ang PCP 11 sa Valenzuela, PCP 1 at 9 sa Malabon at PCP 4 sa Navotas PNP.