Quezon City, Philippines – Nilinaw ngayon ng Quezon City Government na wala pang Implementing Rules and Regulations para sa Quezon City Ordinance No. 2604-2017.
Sa ilalim ng ordinansa, dapat na maglagay ng English o Filipino translation ang mga negosyo sa lungsod na may dayuhang pangalan o foreign characters gaya ng Korean, Japanese, Arabic o German.
Kabilang rito ang mga restaurant, convenience store, karaoke bar, grocery stores, hotels, inn at iba pa.
Ayon kay Quezon City Administrator Aldrin Cu ngayong unang kwarter ng 2018 target na matapos ang Internal Rate of Return (IRR) para sa pormal na pagpapatupad ng ordinansa.
Limang libong pisong multa at suspensyon ng business permit ang kakaharapin ng mga establisyimentong lalabag sa ordinansa.
Facebook Comments