Manila, Philippines – Inihayag ni Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TCP) Spokesman Alan Tanjusay na wala pang linaw kung kailan sila bibigyan ng kopya ng Executive Order na pinirmahan ni pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa Cebu.
Sa ginanap na Forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Tanjusay na naghihintay pa rin ang mga manggagawa sa ilalabas ng Malacañang dahil wala pa ring kopya aniya ng Executive Order na tatapos sa kontrakwalisasyon.
Paliwanag ni Tanjusay, mistulang Ceremonial Signing walang ang ginawa kahapon sa Cebu dahil sa tingin nila ay walang bago sa naturang EO patern aniya ito sa Labor Code o ang kasalukuyang umiiral na batas.
Dagdag pa ni Tanjusay na mahihirapan sila kapag nakarating na sa Kongreso dahil pambihira aniya ang kalaban ang mga konresista at Senador kaya kailangan nila ang suporta ng Pangulo sa pinirmahang Executive Order upang matiyak na kapakanan ng mga manggagawa ang babalangkasin ng mga mambabatas.
Giit ni Tanjusay na sa tingin ng mga manggagawa ay Build pressure ang Pangulo sa mga kaliwat kanang kilos protesta na kanilang ginagawa kaya gumawa aniya ng paraan ang mga kaalyado ng Punong Ehekutibo para makalabas sa nasabing pressure.