WALA RAW KASALANAN | Recruiter ni Joanna, hindi na sasampahan ng kaso ng pamilya Demafelis

Manila, Philippines – Hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng Demafelis laban sa itinuturong recruiter ni Joanna, ang OFW na pinatay at isinilid sa freezer ng kanyang amo sa Kuwait.

Ayon sa tiyuhin ng OFW na si Pablo Demafelis – para sa kanya ay walang kasalanan si Agnes Tuballes.

Si agnes Ay sinasabing malayong kamag-anak ng pamilya Demafelis na siyang nagrekomenda kay Joanna sa Mt. Carmel Recruitment Agency na nag-proseso naman ng mga papeles niya papuntang Kuwait.


Aniya, kahit sumama ang loob nila kay Tuballes, ikinokonsidera pa rin nila itong kamag-anak.

Maliban dito, rehistrado rin sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang recruitment agency na inaplayan ni Joanna.

Facebook Comments