WALANG BASEHAN | Malisyosong Facebook Post ng isang Netizen mula Dagupan Inireklamo!

Dagupan City –
Ø Napabalita kamailan ang pagkamatay ng isang babae na nagngangalang Barbara Carrera dahil sa pagka- kuryente noong kasagsagan ng baha sa lungsod ng Dagupan. Isinisi sa isang livewire ang dahilan ng pagkamatay ng nasabing babae dahil umano sa kapabayaan ng pamunuan ng DECORP na siyang nilalaman ng isang viral post ng nagnganglang Romirald Tolentino. Dagdag pa ni Tolentino matagal na umanong inirereklamo ang nasabing livewire ngunit walang ginagawang hakbang ang DECORP.

Ang nasabing post na umani ng libong likes, shares, at komento ay agad inalmahan ng pamunuan ng Dagupan Electric Corporation (DECORP) dahil ito raw ay malisyoso at walang basehan. Agad na nagsampa ng kaukulang reklamo sa PNP Dagupan ang pamunuan ng DECORP sa katauhan ni Mr. Emmanuel Cabario Villanueva laban sa nasabing netizen na residente ng Barangay Carael Dagupan City.

Nagsagawa ng inisyal na imbestigayson ang DECORP at walang linya nila umano ang nakababa sa kahit anong poste. Sa ngayon ang nasabing post ay mayroon ng 1. 4k na reaksyon, 557 na komento at 1. 8k na shares.


Paalala naman ng mga kinauukulan na maging maingat sa pinopost o shini-share na mga balita o impormasyon lalong lalo na kung hindi sigurado sa mga detalye upang makaiwas sa anumang asunto na pwedeng makaharap.

Facebook Comments