Manila, Philippines – Naniniwala si founding Dean DLSU Atty. Chel Diokno na walang batayan ang pagbawi ni Pangulong Duterte sa amnesty ni Senator Antonio Trillanes IV.
Sa ginanap na forum sa Manila sinabi ni Atty. Diokno na maging ang SC ay nagpaliwanag na rin na hindi kailangan ng admission of guilt kundi ang important ay binigyan siya ng amnestiya ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Paliwanag ni Atty. Diokno na walang batayan ang DND na nagsasabi na lilitisin si Trillanes bago binigyan ng amnesty ay nagbitiw na si Trillanes kaya isa na umano siyang sibilyan kaya walang karapatan ang military court na litisin ang Senador.
Giit ni Atty. Diokno dapat maging masunurin sa batas ang Pangulo dahil malaking implikasyon aniya ito ang mga desisyon ng Pangulo sa mga susunod na henerasyon.