WALANG DAHILAN? | COMELEC, magsasagawa muli ng public hearing ukol sa posibleng suspensyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections

Manila, Philippines – Muling magsasagawa ng public hearing ang Commission on Elections (COMELEC) para talakayin ang posibleng suspensyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ito’y kasunod ng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay COMELEC Commissioner Louie Guia – nararapat ang pagsasagawa ng pagdinig tulad ng ginawa nila noon nang suspendihin ang halalan dahil sa naganap na rebelyon sa Mindanao.


Una nang sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi nila gagamitin ang martial law extension para ipagpaliban ang naturang election at wala silang nakikitang dahilan para hindi na ito ituloy pa.

Facebook Comments