WALANG DAHILAN | MPD, sinigurong walang mangongotong na pulis Maynila

Manila, Philippines – Tiniyak ni MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo na hindi mangyayari sa kanilang ang ginawa ng 5 pulis na nakatalaga sa District Support Operation Unit ng Southern Police District na nangotong sa limang nahulihan ng illegal gambling.

Ayon kay Margarejo mahigpit ang tagubilin ni MPD District Director Chief Supt. Joel Coronel na agad ipatupad ang one strike policy ang sinumang opisyal ng mpd na mahulihan ang kanilang mga tauhan na gumagawa ng kahalintulad na insidente sa SPD.

Paliwanag ni Maegarejo batid umano ng pulis Maynila na malaki na ang kanilang mga sahod kaya walang dahilan para mangikil o mangotong pa ang mga operatiba ng MPD.


Giit ni Margarejo mayroon talagang mga pulis na hindi kontento sa kanilang sarili kahit mataas na ang kanilang mga sahod dahil ang iba umano ay mayroong mga kalaguyo o binubuhay maliban sa kanilang orihinal na asawa kaya nagpupursige sila na makakuha pa ng ibang karagdagang pagkakitaan.

Facebook Comments