WALANG DAHILAN | Singil sa kuryente sa susunod na buwan, hindi na dapat magtaas – Senator Gatchalian

Manila, Philippines – Makaraang magdagdag ng 23 centavos ang MERALCO sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Abril sinabi ngayon ni Senate Committee on Energy Chair Senator Win Gatchalian, na wala na silang nakikitang dahilan para magtaas pa ng singil sa kuryente ang MERALCO sa susunod na dalawang buwan.

Ito ayon kay Senator Gatchalian, ay dahil nag-i-stabilize ang presyo ng coal, at ang epekto naman aniya ng TRAIN Law sa kuryente ay noon pang Pebrero naramdaman.

Kung magtataas aniya ng singil sa kuryente dahil sa TRAIN Law, dadaan naman aniya ito sa proseso upang matukoy kung resonable ba o hindi ang dagdag singil bago iimplementa.


Sa kasakukuyan ayon sa Senador, ang tinututukan nila ngayon ay ang presyo ng coal, at base nga sa kanilang pagtataya, ay wala silang nakikitang dahilan para magdadag singil sa kuryente sa susunod na dalawang buwan.

Facebook Comments