PHILIPPINES FOOTBALL LEAGUE | Davao Aguilas FC at Global Cebu FC, nagtabla sa Biñan Football Stadium

25

Manila, Philippines – Bumangon mula sa 0-2 na hukay ang Global Cebu FC para maitabla ang laro kontra sa Davao Aguilas FC sa pagpapatuloy ng Philippines Football League sa Biñan Football Stadium sa Laguna.

Unang lumamang ang mga taga Davao sa goal nina Phil Younghusband at Harrison Sawyer sa first half.

Pero kahit naghahabol hindi naman nawalan ng loob ang Global Cebu.

Unang naka-iskor si Darryl Roberts sa 66th minute para matapyas ang lamang ng Davao bago maitabla ni Wesley Dos Santos ang laro sa kaniyang penalty kick sa 88th minute.

Facebook Comments