Dagupan City – Kamailan ay lumabas ang balita tungkol sa mga galunggong na may halong formalin umano ayon sa isang samahan ng mga mangingisda. Bagamat ang nasabing impormasyon ay sa mga merkado ng sa NCR hindi parin nawala ang agam-agam mula sa ilang mamimili sa lalawigan na maaring nakarating sa mga pamilihan ang nasabing mga produkto na kontaminado umano ng kemikal na nakakasama sa kalusugan ng tao.
Ngunit pinawi ito ng Department of agriculture sa pangunguna ng mismong Sec. Emmanuel Piñol noong mismong nagluto ito ng galunggong at kainin sa harapan ng mga kawani ng media.
Samanatala sa dito sa lungsod ng Dagupan siniguro naman ng City Agriculture Office at Bureau of Fisheries and Aquatic Resource (BFAR) na mas lalo nilang hinigpitan ang kanilang monitoring sa mga isdang pumapasok sa siyudad partikular na ang imported na mga isda na ibinabagsak sa mga pangunahing pamilihan ng lungsod.
Siniguro ng mga nasabing ahensya na ligtas kainin ang mga isdang nasa merkado ng Dagupan at walang monitoring na nakalap ang mga otoridad sa nasabing mga isda na may di umanoy formalin.
[image: download.jpg]
WALANG DAPAT IKABAHALA | Isda sa Dagupan Ligtas Kainin!
Facebook Comments