WALANG DAPAT IPANGAMBA | MPD, pinawi ang pangamba ng publiko sa bagong Oplan Tokhang

*Manila, Philippines – Nilinaw ni Manila Police District Director Chief Supt. Joel Coronel na walang dapat ipangamba ang publiko sa ipinatutupad na bagong regulasyon sa implementasyon ng bagong Oplan Tokhang.*

*Ayon kay Coronel, dalawang pangkat na binubuo ng anim-na-tao sa bawat istasyon ng pulisya, ang magsasagawa ng operasyon laban sa mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga.*

*Paliwanag ni Coronel ang mga ito ay maaari lamang bumisita at kumatok sa mga tao na nasa drug watch list mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8 ng umaga . hanggang 5 ng hapon.*


*Dagdag pa ng Heneral na bawat pangkat ng ‘tokhangers’ ay pamumunuan ng isang Senior Officer,kasama ang isang kinatawan ng accredited Media Personnel, at mga miyebro ng Anti-Drug Abuse Council ng Barangay.*

*Giit ni Coronel sa bagong regulasyon, hindi maaaring puwersahin o pilitin ng pulisya ang isang tao na kilalanin ang kanyang sarili bilang suspek sa ilegal na droga.at hindi rin pwedeng puwersahin ng mga pulis na pagbuksan sila ng mga taong itotokhang.*

Facebook Comments