WALANG DATABASE | Mga drivers at operators, hindi pa makakatanggap ng benepisyo sa ilalim ng Pantawid Pasada Program

Manila, Philippines – Malabo pang matamasa ng mga drivers at operators ang benepisyo sa ilalim ng TRAIN-1.

Inamin nila LTFRB Chairman Martin Delgra at DOTR Undersecretary Tim Orbos sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means na wala pa silang database ng mga drivers na gagamiting basehan para sa implementasyon ng Pantawid Pasada Program.

Bukod dito, pinag-aaralan pa ito ng dalawang ahensya.


Lilikha pa sila ng drivers academy program ng LTFRB para sa pagbuo ng database.

Inaasahan nilang aabot ito ng 400,000 hanggaang 500,000 base na rin sa bilang ng mga nakarehistrong pampasaherong jeep sa kanilang sistema.

Sa ilalim ng programa, bibigyan ng fuel voucher ang mga driver o operator ng pampasaherong jeep para magamit na diskwento sa pagbili ng diesel at may alokasyon ito na 900 Million sa ilalim ng 2018 budget.

Facebook Comments