Mariing pinabulaanan ni former Department of Education ARMM Secretary Atty. Rasul Mitmug ang kumakalat na impormasyon, lalo na sa Social Media na di umanoy may walong libong Ghost Teachers na naipasok sa DEPED ARMM.
Sa katunayan kabilang sa naging prayoridad ng Administarasyon ng dating ARMM Governor Mujiv Hataman ang paglinis mula sa tinaguriang Ghost Employees (Teacher) maging ang mga ghost students at schools.
Bagaman naipost ang impormasyon sa di naman Official Facebook Page ng kasalukuyang departamento , agad na nilinaw ni Atty. Mitmug na walang katotohanan ito.
Sinasabing nasa 25, 000 lamang na mga kawani ng DepEd ARMM ang nasa Plantilla o pinapasweldo taliwas sa impormasyong nasa 33, 000 na mga guro dagdag ni Atty. Mitmug. Iginiit din ni Atty. Mitmug na unfunded ang 8 libong binabanggit na mga guro dahil wala naman itong mga appointments.
Kaugnay nito agad namang binuo ng Dep Ed Barmm ng Technical Working Group para mas lalong malinawan ang nasabing impormasyon at mapag aralan kung anu ang maaring gawin sa walong libong guro na wala pang mga appointments.
Walang Ghost Teachers sa BARMM?
Facebook Comments