CAUAYAN CITY – Bilang bahagi ng Walang Gutom Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mga benepisyaryo mula sa bayan ng Quezon, Isabela ay tumanggap ng food packages na nagkakahalaga ng P3,000 bawat isa.
Pinangunahan ang distribusyon ng DSWD Field Office 2 (FO2) Regional Director Lucia Allan at Division Chief Imelda Decena, kung saan ang Marcos Ventures Masaganang Ani Isabela Agriculture Cooperative ang opisyal na retailer na tumanggap at ng mga food packages.
Layunin ng programa na mawakasan ang gutom sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalawak nito sa mga probinsya, munisipalidad, at rural na lugar pagsapit ng 2027.
Sakop ng Walang Gutom Program ang iba’t ibang inisyatiba tulad ng food distribution, community-based agricultural projects, at pakikipagtulungan sa mga local government units (LGUs), non-governmental organizations (NGOs), at pribadong sektor.