WALANG INSURANCE | Mga tricycle na ginagamit bilang school service, balak ipahinto ng LTFRB

Manila, Philippines – Nais ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na ipahinto na bilang school service ang mga tricycle.

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, bukod sa hindi otorisado, wala ring insurance ang mga tricycle hindi gaya ng mga lehitimong school service.

Gayunman, ipapaubaya na aniya nila sa mga lokal na pamahalaan ang pagdedesiyon sa pagbabawal sa mga tricycle na maging school service.


Batay sa datus ng MMDA noong 2017, umabot sa 3,655 road accident na kinasangkutan ng tricycle sa Metro Manila.

Facebook Comments