WALANG KALABAN-LABAN | Terror attack sa Egypt, kinundena

Egypt – Kinondena ng International Community, maging ang Pilipinas ang nangyaring terror attack sa Sinai, Egypt na ikinamatay ng 235 na indibidwal.

Ayon sa DFA, ipinararating ng Pilipinas ang pakikiramay sa Muslim community sa nasabing bansa.

Ayon kay Cayetano, ang mga kahalintulad na pag-atakeng ito sa mga bahay-sambahan ay hindi katanggap-tanggap.


Samantala, pinangunahan naman ni US President Donald Trump kabilang ang mga mataas na lider mula Britain, France, Israel, Russia at United Arab Emirates ang pagkondena sa madugong terror attack sa Mosque sa Egypt.

Sinabi ni Trump na isang nakakatakot at kaduwagan ang ginawa ng mga teroristang grupo dahil sa karamihan sa mga biktima ay mga inosente at walang kalaban-laban.

Facebook Comments