TUNAY NA PAG-IBIG | True love, napatunayan sa isang plastic surgery

Thailand – True love kung maituturing ang nag-viral na video ng 22-year-old factory worker sa Thailand na sumailalim sa plastic surgery.

Nakilala si Noppajut Monlin dahil sa kanyang transgender na girlfriend na si ‘Tob’.

Kwento ni Monlin, malaking problema niya ang kanyang mukha dahil madalas siyang nababasted ng mga nililigawan kaya naman sobrang na-touch siya kay ‘Tob’ na pinili pa rin siya kahit na hindi siya gwapo.


Dahil sa touching story na ito, nabigyan ng pagkakataon si Monlin na sumailalim sa libreng ‘plastic surgery’ sa isang reality show sa South Korea.

Mas kinilig pa ang mga manonood nang sabihin nitong kahit mapalitan pa ang kanyang mukha ay siya pa rin ang parehong lalaking magmamahal kay ‘Tob’.

Facebook Comments