Manila, Philippines – Hinimok ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang Department of Foreign Affairs na maghain ng diplomatic protest laban sa Estados Unidos.
Kasunod ito ng paglabag sa intelligence ng US na naghahanay at itinuturing si Pangulong Duterte sa mga lider ng South East Asia na banta sa karapatang pantao at sa demokrasya.
Iginiit ni Alvarez na walang karapatan ang Amerika na makialam sa bansa kaya hindi ito dapat palagpasin ng DFA.
Kung mayroon mang maraming kalokohan sa iba’t-ibang bansa, iyon ay ang Estado Unidos.
Sa katunayan, ang Amerika pa nga ang tunay na banta sa demokrasya dahil sa walang tigil na pakikialam sa panloob na usapin ng mga bansa para lamang matiyak na mapapanatili ang impluwensya nito sa buong mundo.
Pinakikilos din ni Alvarez ang mga Pilipino na magkaisa laban sa mga pakikialam ng US sa Pilipinas.