WALANG KARAPATAN | NPA, walang kapangyarihan mang-aresto ng mga nasa Government Peace Panel

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacanang na walang kapangyarihan ang teroristang New People’s Army (NPA) na arestuhin ang sinoman sa Government Peace Panel.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng naging pahayag ni AnakPawis representative Ariel Casilao na posibleng gawin din ng NPA sa mga taga-Government Peace Panel ang ginawa ng mga otoridad matapos arestuhin ng mga ito ang mga consultant ng National Democratic Front (NDF).
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa oras na gawin ito ng NPA ay madaragdagan lang ng kaso nito dahil malinaw na kidnaping ang isampa sa mga ito sa oras na arestuhin ang mga miyembro ng GPH Peace Panel.
Binigyang din ni Roque na ang pag-aresto sa mga NDF Consultants ay dahil na rin sa warrant of arrest sa mga ito at wala namang nilalabag ang pamahalaan dito dahil wala namang umiiral na peace talks.
Pero ang mga gustong arestuhin ng mga NPA ay walang criminal records o warrant of arrest kaya walang basehan o dahilan para arestuhin ang mga ito ng teroristang grupo.
Sinabi din naman ni Roque na dahil sabi aniya ni Casilao ay hindi malayong isipin na mayroon itong koneksyon o direktang contact at partisipasyon sa NPA dahil tila alam nito ang mga aksyon ng teroristang NPA.
Tiniyak din naman ni Roque na nakahanda ang AFP at PNP na protektahan ang bansa laban sa mga kalaban ng estado para matiyak ang seguridad ng mga Pilipino.

Facebook Comments