WALANG KATOTOHANAN? | Senado, hindi kayang sirain ng mga banat ni Speaker Alvarez

Manila, Philippines – Para kay Senate President Koko Pimentel, hindi na dapat pang palakihin ang naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mabagal ang senado.

Pagbibigay diin pa ni Pimentel, ang mga banat ni Alvarez ay hindi makakasira o makakapagpahina sa senado.

Reaksyon ito ni Pimentel sa pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ang mga birada ni Alvarez ay bahagi ng planong lusawin ang senado sa ilalim ng Federalism.


Ayon kay Pimentel, walang katotohanan ang sinasabi ni Drilon.

Binanggit din ni Pimentel na ang death penalty bill na ayon kay Alvarez ay inuupuan ng senado ay nakatakda na ring ilatag sa plenaryo ni senator manny pacquiao ngayong Enero para pagdebatehan.

Sabi ni Pimentel, kung may hindi agad maaksyunan na panukala ang senado ay ganun din ang Kamara.

Sa katunayan, hanggang ngayon aniya ay nakabinbin pa rin sa Kamara angg naipasang panukala ng mga senador na mas malalaking plate number para sa mga motorsiklo.

Dagdag pa ni Pimentel, umaabot sa 116 na panukala ang naipasa ng senado at karamihan sa mga nakabinbin pa ay pawang local bills.

Facebook Comments