WALANG KAUGNAYAN | Super blue blood moon, walang direktang epekto sa aktibidad ng bulkang Mayon – PHIVOLCS

Manila, Philippines – Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang direktang kaugnayan ang tatlong sabay-sabay na moon events nitong Miyerkules sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon.

Ayon kay Paul Alanis, Science Research Specialist ng PHIVOLCS, sasabog ang isang bulkan kapag namamaga na ito, kahit ano pa ang aktibidad ng buwan.

Bahagya lang aniya ang magiging impluwensiya ng gravitational pull o hatak ng buwan.


Samantala, umabot sa higit 2,600 ang bilang ng mga evacuees na mayroong respiratory disease dahil sa abong ibinubuga ng mayon.

Habang higit 84,000 tao na ang lumilikas mula sa kanilang mga tahanan.

Photo (c) | Philippine Star

Facebook Comments