Manila, Philippines – “Kung mala palos si dating Pangulong Noynoy Aquino sa mga kasong isinamsampa laban sa kaniya , malamang na hindi na ito makawala sa kaso ng Dengvaxia vaccine”.
Ito ang may pagkukumpiyansang pahayag ni Volunteer Against Crime And Corruption Legal Counsel Ferdinand Topacio.
Ayon kay Atty. Topacio, ito na ang pako na magseselyo sa kapalaran ni Aquino dahil maliban sa nagdudumilat ang mga ebidensya ay may malawakang pampublikong panawagan para umaksyon ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno.
Kung titingnan aniya ang pangkabuuang proseso, hindi maidadahilan ni Noynoy na pin resume na regular ang transaksyon ng pag procure ng Dengvaxia vaccine.
Sa laki aniya ng halagang ipinalabas ng gobyerno para sa anti-dengue vaccine at sa lawak din ng ginawang pag administer ng vaccine sa mga bata sa bansa, mahirap mag maang-maangan dito ang dating pangulo.