Manila, Philippines – Ayaw nang pakialaman ng Palasyo ng Malacanang ang iba pang ahensiya ng Pamahalaan kung ipagbabawal din ng mga ito ang pagpasok o pagbawalang makapag-cover ang Rappler reporters sa kanilang tanggapan.
Ito ang sinabi ng Malacanang matapos i-ban ng tuluyan sa buong Malacanang Complex ang Rappler reporter na si Pia Ranada.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, bahala na ang kanya-kanyang ahensiya ng pamahalaan kung gagaya sila sa naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero tiniyak din naman ni Roque na hindi magiging precedent o hindi matutulad ang iba pang Malacanang reporter sa pagbabawal sa Rappler na makapasok sa Malacanang Complex.
Patunay din aniya dito ang Inquirer na patuloy na nakapagko-cover sa Pangulo kahit patuloy ang mga banat nito.