SUICIDE BOMBER | Lalaki, patay sa tangkang pagpapasabog sa US embassy sa Montenegro

Podgorica, Montenegro – Patay ang isang lalaking suicide bomber matapos ang tangkang pagpapasabog sa US Embassy sa Podgorica, Montenegro.

Sa inisyal na report – dalawang pagsabog ang naganap sa lugar.

Una rito, naghagis ng granada ang hindi nakilalang suspek sa US Embassy saka pinasabog ang kanyang sarili gamit ang isa pang hand grenade.


Wala namang nadamay sa insidente at walang naitalang pinsala sa gusali ng US Embassy.

Facebook Comments