Manila, Philippines – Hindi alam ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang insidente na nangyari kanina sa Gate 2 ng Malacanang kung saan hindi pinapasok ang reporter ng Rappler na si Pia Ranada.
Kanina kasi ay hinarang ng Presidential Security Group si Ranada sa Gate 2 ng Malacanang at pinagbawalang makapasok sa New Executive building kung nasan naroon ang Press Working Area kung saan naroroon ang Malacañang Press Corps.
Sinabi ni Roque na nakausap niya si Executive Secretary Salvador Medialdea at sinabi nitong maaari paring mag-cover sa Malacanang ang Rappler habang nakabinbin parin sa Court of Appeals ang kaso nito.
Nilinaw din naman ni Roque na walang nangyayaring pagharang sa kalayaan sa pamamahayag dahil maaari pa rin namang dumalo si Ranada sa Press Conference at sumulat ng kanyang mga artikulo.
Binigyang diin ni Roque na hindi polisiya ng administrasyong Duterte ang pagbawalan ang sinuman kahit pa mga kontra sa administrasyon na makapag-cover sa Malacañang.
Batay sa impormasyong lumabas kanina ay galing umano sa PSG operations ang kautusan na huwag papasukin ng Malacañang ang Rappler Reporter.
<#m_-611940654054052958_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>