WALANG KOMENTO | DND at AFP, no comment sa usapin na may kaugnayan kay Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Wala nang naging komento pa ang Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines kaugnay sa isyu ni Senator Antonio Trillanes IV.

Buong araw na nagabang ang mga miyembro Defense Press Corps sa Camp Aguinaldo para sa mga panibagong pahayag ng DND at AFP pero walang nagparamdam sa mga ito.

Kahapon ng umaga huling nagpa interview ang tagapagsalita ng DND na si Director Arsenio Andolong, sinabi nito na hindi pa nila nakikita kopya ng application paper ni Senator Trillanes para sa Amnesty.


Nasabi rin nito kahit walang warrant of arrest ay maaresto ang Senador sa pamamagitan ng Military Justice system matapos ngang bawiin ang kanyang amnesty.

Habang ang tagapagsalita naman ng AFP na si Col. Edgard Arevalo kamakalawa pa huling nagpainterview at isa sa mga nasabi nito ay si Solicitor General Jose Calida ang humiling ng kopya ng application paper ni Sen Trillanes para sa Amnesty.

Kahapon ay tumungo ito sa ilang lugar sa Mindanao na aniya ay para sa security briefing at visit.

Una na ring sinabi ng dalawang opisyal na batay sa impormasyon mula sa J1 o AFP deputy chief of staff for personnel na nawawala ang kopya ng application paper ni sen trillanes para sa Amnesty.

Facebook Comments