Walang Kontrol na Presyo ng Langis, Binatikos!

Cauayan City, Isabela- Hindi umano dapat problemahin ng publiko ang pagtaas ng mga langis dito sa bansa bagkus ay problema dapat ito ng Kongreso.

Ito ang inihayag ni ginoong Orlando Marquez, ang pinuno ng *Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas* o LTOP hinggil sa Deregulated na langis kung saan walang pakialam ang gobyerno sa presyo ng mga langis maging sa mga Spareparts ng mga Sasakyan kumpara sa Regulated na pamasahe na mayroong batas na sinusunod dito.

Dahil dito ay hindi umano magkatugma ang ating mga binibiling produkto sa ibang bansa dahil kadalasan umano sa mga Dealer o Contributor ay mga kamag-anak din ng mga nasa pulitika kaya’t ipinasa umano nila ang Batas Protection para sa kanilang negosyo upang kung taasan man nila ang presyo ay hindi nila ito po-problemahin.


Kinumpirma rin ni ginoong Marquez na hindi naman umano lahat ng mga Congressman ay ganito ang ginagawa subalit karamihan pa umano sa mga negosyante ng gasulihan ay sinasabing hindi kumikita kahit mayroon naman itong tatlumpong porsiyentong kita kaya’t huwag umano sana nilang lokohin ang taumbayan pagdating sa presyo ng langis.

Facebook Comments