WALANG LEAVE? | Dept. of Health, nagdeklara na ng code white alert ngayong holiday season

Manila, Philippines – Nagdeklara na ng code white alert ang Department of Health (DOH) sa lahat ng pampublikong ospital sa buong bansa ngayong holiday season.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, sa ilalim ng code white alert, hindi papayagang mag-leave ang mga empleyado ng mga ospital ng gobyerno.

Aniya, ang deklarasyon ng DOH ay hudyat rin ng pagsisimula ng pagbibilang mga mabibiktima ng paputok o mga disgrasyang may kaugnayan sa paputok.


Kasabay nito, iginiit ni Duque na mabuting magsagawa na lang ng community fireworks display para maisawan ang dami ng mga mabibiktima ng paputok.

Sinabi pa ng kalihim na kung sila ang masusunod ay nais nila ipatupad ang total ban sa paputok pero batid niyang may sektor na maapektuhan kapag ipinatupad ito.

Payo naman ni Jovenson Ong, president ng Philippine Fireworks Association, na kung bibili ng pailaw ay hanapin ang P.S mark para makasigurado sa kalidad ng mabibili.

Facebook Comments