Manila, Philippines – Kinasuhan ng PDEA ang 44 individuals kaugnay ng 11-Billion shabu shipment na isinilid sa apat na magnetic lifters at sinasabing inilusot Bureau of Customs (BOC).
Kabilang sa respondents sina dating PDEA Deputy Director Gen Ismael Fajardo, dating PNP-AIDG OIC Eduardo Acierto, Police Inspector Lito Pirote at Joseph Dimayuga.
Ang mga kasong isinampa laban sa kanila ay paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, Obstruction of Justice, Revised Penal Code at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Kasama rin sa mga inireklamo si dating Customs intelligence officer Jimmy Guban.
Ayon kay PDEA Director for Legal and Prosecution Services Czareanah Aquino, kabilang si Guban sa kino-kunsidera nila bilang principal o primary respondent bagaman at hindi nila irerekomendang alisin ito sa Witness Protection Program (WPP) ng DOJ.
Hindi naman kasama sa mga kinasuhan si dating Customs commissioner Isidro Lapeña dahil wala naman daw nakitang ebidensya ang PDEA na magpapatunay na siya ay may kinalaman sa nasabing shipment ng 1,000 kilos ng shabu.