WALANG LUSOT | Mga smuggled items na gulong ng mga sasakyan nasabat ng BOC

Tinatayang aabot sa P8 milyong halaga ng smuggled items ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP).

Kabilang sa nasabat ang dalawang – 40 footer containers na pawang mis-declared na naglalaman ng may 500 piraso o P3 milyong halaga ng gulong ng mga sasakyan.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, kanilang ipaghaharap ng reklamong smuggling at paglabag sa customs code ang consignee na NSGV Trading.


Paliwanag ni Lapeña mis-declared din ang isang 40 footer container ban mula sa D3S Trading na naglalaman pala ng 18 drum ng glycerol chemicals, mga laptop at mga cellphones na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.

Habang naglalaman naman ng 885 master cases ng Chungwa cigarettes ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) kung saan ang consignee nito ay Maxafrica Manufacturing na galing ng Korea ang smuggled na sigarilyo na kabilang sa mga naabandomang kargamento noong 2017.

Ipinag-utos na rin ni Lapeña ang pagtanggal sa accreditation ng mga importer at customs brokers ng NSGV at ng DS3 Trading.

Facebook Comments