HULICAM | Suspek sa pagpatay sa isang empleyado ng bangko, kilala na

Manila, Philippines – Nakilala na ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang mga suspek na pumaslang ng isang bank employee na si Almeric Carlo Aldaba 49-anyos noong September 6 alas 9:10 ng gabi sa CM Recto Avenue malapit sa kanto ng San Sebastian Quiapo Manila.

Sa ginanap na presscon sa MPD Headquarters sinabi MPD Homicide Section Chief Police Chief Inspector Rommel Anicete na pinaslang ang biktima sa pamamagitan ng pagbaril at ang motibong tinitingnan ng pulisya ay dalawa lamang una ay posibleng pagnanakaw at pangalawa ay personal grudge na maaaring mayroong kinalamang sa trabaho ng biktimang bilang empleyado ng bangko na isang division chief.

Paliwanag ni Anicete na ang pamamaraan ng pagpaslang kay Aldaba ang isang professional hired killer o bayaran para lamang paslangin ang isang empleyado ng bangko dahil planadong-planado aniya ang pagpatay sa bank employee.


Giit pa ng opisyal malaking tulong umano ang CCTV camera at publiko na nakipag-tulungan sa MPD upang makilala nila ang dalawang suspek sa pagpatay kay Aldaba.

Facebook Comments